Smart Broken
Friday, July 21st, 2006July 15th, 2006
Hindi naman pala ako praning, kung hindi matigas ang ulo. Bago ako nag-apply sa Smart Bro(ken) na “wi-fi” raw, nang-istorbo ako ng mga taong ‘di ko kakilala, at nag-survey sa mga kaibigan kong connected. May mga nagsabing huwag na, kung ayaw kong sumakit lang ang ulo ko. May mga nagsabing medyo okay na, o pwede na ang connection sa kasalukuyan. Mas pinaniwalaan ko itong huli, lalo na’t atat na akong magka-broadband.
So, okay naman noong una. Mula noong Hulyo 1, nang makabitan ako, bagama’t medyo nagbabagal, isang beses lang akong nawalan ng connection at naayos naman agad. Hanggang sa dumating ang Martes na gabi…. Read the rest of this entry »
