Archive for September, 2006

Showbiz Linggo

Sunday, September 24th, 2006

binandera ng palabas sa TV kahapon ang pinakaunang pahayag daw ni James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino–na para bang ito na ang pinakamahalagang kaganapan sa bansa sa linggong ito.

Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia. Teenager ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark Fernandez–kasama sina Eric Fructouso at Jomari Yllana. Lagi nila noong kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.

Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood, ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon. Continue reading »

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Sunday, September 24th, 2006

Para pa rin sa mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati, narito naman ang pananalitang binigkas ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alexander Martin Remollino sa Media Summit na isinagawa ng UP College of Mass Communication Student Council noong Setyembre 22, 2006.

Naka-post din ang piyesang ito sa blog ni Alex, ang Our Thoughts are Free, at sa Indymedia Philippines. Muling ko itong ipinost dito nang may pahintulot ng may-akda.

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Yaong naghahatid sa atin ng balitang-”artista” sa isa sa mga pangunahing istasyon sa telebisyon ay nagtapos sa De La Salle University (DLSU), bagama’t ilang taon bago iyon ay nakikita-kita ko siya sa pinanggalingan kong pamantasan, ang University of Santo Tomas (UST). Yaong katapat niya sa kabilang istasyon ay kilala ng karamihan sa atin bilang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Continue Reading »