Sikat na naman si Trillanes
Hindi na ako nagulat ngayong may pailan-ilan muling nagko-comment sa post kong “Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV”. Dala marahil ito ng pagdeklara ni Trillanes na tatakbo siya bilang senador. Kahit ang profile ni Trillanes sa GMANews.tv, isa sa mga most read sa mga personality profiles sa site. Ang kanyang unang Friendster account, puno na rin.
Noong kakatapos lamang ng Oakwood mutiny, sobrang naging crush ng bayan ang rebeldeng sundalong ito, at sa isang Peyups article ay sinubukang kong sagutin kung “Bakit Crush ng Bayan si Kapitan Trillanes?”:
Tembtation : Bakit Crush ng Bayan si Kapitan Trillanes?
Contributed by tembarom (Edited by mananalaysay)
Friday, August 01, 2003 @ 03:56:18 PM“Why blame these young soldiers for telling the country the truth…?” –Atty. Homobono Adaza
Nang kumain ako kahapon sa carinderia ni Ate Nicky, nagawi ang kuwentuhan sa naganap na pag-aalsa ng mga sundalo noong Linggo. At siyempre, hindi puwedeng hindi mabanggit ang lider ng mga nagrebelde, ang patok na patok ngayong si Lt. SG Antionio Trillanes IV.
“Ay, Eric! Ang guwapooo niya, ‘no? Grabe!” ang bulalas ni Ate Nicky, na isang nanay ng apat na bata. Ayon sa kanya, pati raw matatanda niyang kapitbahay ay tinamaan kay Kapitan Trillanes. Read the rest of this entry »