Archive for August, 2007

Malu Fernandez

Thursday, August 16th, 2007

Napadpad ako sa Tingog.com, naintindihan ko ang twit ni Noemi, bumilis ang tibok ng puso ko at medyo nanikip ang dibdib ko.

Ikinukuwento ng pasosyal na kolumnista ng Manila Standard Today ang kanyang bakasyon sa Boracay at sa Greece at kung paanong nakasalamuha niya sa pamilihan at sa eroplano ang mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat. Narito ang ilang bahagi ng article:

Read more »

My Palm Treo 650

Thursday, August 9th, 2007


(Photo courtesy of my friend Bing)

Here’s a photo of my newly acquired Palm Treo 650. A second-hand unit, I got it for only P9,500 last July 21 in one of the stalls in Greenhills.

For those who are not familiar with Palm products, the Palm Treo 650 is a cellphone, personal digital assistant, portable MP3 and video player, digital camera, ebook reader and “game and watch” in one.

You could also use it to write and edit documents, send and receive e-mail and browse the Web. It has a full QWERTY keyboard (parang sa computer), speakerphone, infrared and bluetooth (but no WIFI).

Here are more information that could probably convince you to swap your cellphone that keeps on freezing (Ano ba yan, nag-hang na naman?) with a Palm Treo:

Read more »

Reymond Sajor, kampyeon sa WCOPA

Saturday, August 4th, 2007

Narito ang isa namang dahilan upang maipagmalaki ang pagiging Pilipino.

Si Reymond Sajor–dating Philippine Idol finalist–ang bagong new Grand Champion Senior Vocalist of the World sa katatapos lamang na 11th World Championships of Performing Arts (WCOPA) , ayon sa STAGES publicist na si Oliver Oliveros.

Ang 11-taong gulang na si Aria Clemente naman ang Grand Champion Junior Vocalist of the World at Over-all Grand Champion of the World sa Junior Division ng WCOPA na ginanap sa Hollywood sa California, USA. Read more »

Wika2007 Blog Writing Contest

Saturday, August 4th, 2007

Mula sa ederic@cyberspace:

Sa Lunes, ika-6 ng Agosto 2007 na magsisimulang tumanggap ang Philippine Bloggers Society (Pinoyblogosphere.com) ng mga lahok para sa Wika2007 Blog Writing Contest.

Layunin ng patimpalak na maipakita ang kalakasan at kagandahan ng Wikang Filipino ngayong ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika na may temang “Maraming Wika, Matatag na Bansa”.

Bukas ang contest sa lahat ng mga Pilipinong blogger, nasa Pilipinas man o sa ibang bansa. Tatanggapin ang mga entry hanggang sa Agosto 18 at ipo-post ang mga nanalo sa Agosto 29 sa Pinoyblogosphere.com.

Isa ang Tinig.com sa mga sponsor.  Narito ang  kumpletong impormasyon.