February 3rd, 2007 by ederic2
Bad trip ang mga texters sa Globe Telecommunications dahil sa pagbabago nila sa Unlimitxt promo para raw mabigyan ng “wider choices” ang mga texters. Ang kaso, dumami nga ang options, pero nagmahal ang presyo ng unli. Puwede na sana yung P50 for five days, kaso ngayon P10 pa rin per day, kaso kalahating araw na lang. Tsk tsk, kawawa naman ang mga fans ni Ederlyn–kilala n’yo ba si Ederlyn? Hehe.
Nasa ibaba ang online petition ng TXTPower sa National Telecommunications Commission. Pinapapirmahan yan ng grupo sa www.txtpower.org. Read the rest of this entry »
Posted in Web/Tech | No Comments »
January 29th, 2007 by ederic2
Nakasama pa rin ako sa Blog Parteeh ‘07. Isinama ako nina Ma’am Malou at Sir Joe sa GMANews.tv team na dumalo sa event.
Sa Blog Parteeh, nagkita-kita ulit kami ng mga dati ko nang cyberfriends gaya nina Markku, Abe, at Karla (na unang beses ko pa lang nakita). Nasa UP pa lang kami ni Markku, cyberfriends na kami, samantalang itong huling dalawa ay nakilala ko sa Rebelde.com may mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Read the rest of this entry »
Posted in Uncategorized | No Comments »
September 24th, 2006 by ederic2
binandera ng palabas sa TV kahapon ang pinakaunang pahayag daw ni James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino–na para bang ito na ang pinakamahalagang kaganapan sa bansa sa linggong ito.
Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia. Teenager ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark Fernandez–kasama sina Eric Fructouso at Jomari Yllana. Lagi nila noong kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.
Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood, ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon. Continue reading »
Posted in Television | 2 Comments »
September 24th, 2006 by ederic2
Para pa rin sa mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati, narito naman ang pananalitang binigkas ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alexander Martin Remollino sa Media Summit na isinagawa ng UP College of Mass Communication Student Council noong Setyembre 22, 2006.
Naka-post din ang piyesang ito sa blog ni Alex, ang Our Thoughts are Free, at sa Indymedia Philippines. Muling ko itong ipinost dito nang may pahintulot ng may-akda.
Ang Mamamahayag at ang Pagbabago
Yaong naghahatid sa atin ng balitang-”artista” sa isa sa mga pangunahing istasyon sa telebisyon ay nagtapos sa De La Salle University (DLSU), bagama’t ilang taon bago iyon ay nakikita-kita ko siya sa pinanggalingan kong pamantasan, ang University of Santo Tomas (UST). Yaong katapat niya sa kabilang istasyon ay kilala ng karamihan sa atin bilang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Continue Reading »
Posted in Television | No Comments »
August 28th, 2006 by ederic2
Napaaga ang Oblation Run sa UP Diliman kahapon. Napatakbo ang mga taga-APO fraternity dahil sa mga sinabi ni Raul Gonzalez. Bad trip siya sa mga taga-UP dahil rally raw nang rally. Nilalabanan daw ng mga taga-UP ang estadong nagpapaaral sa kanila.
Ang sagot ng kapwa UP alumnus na si Markku, “the GMA administration is definitely not the state.”
Pero aliw lang, parang anlaki ng rally kasabay ng oblation run kahapon. Inabot raw ng 1,000 ang sumali. Hmmm, bakit kaya?
Continue Reading »
Posted in Current Affairs | No Comments »
July 21st, 2006 by ederic2
July 15th, 2006

Hindi naman pala ako praning, kung hindi matigas ang ulo. Bago ako nag-apply sa Smart Bro(ken) na “wi-fi” raw, nang-istorbo ako ng mga taong ‘di ko kakilala, at nag-survey sa mga kaibigan kong connected. May mga nagsabing huwag na, kung ayaw kong sumakit lang ang ulo ko. May mga nagsabing medyo okay na, o pwede na ang connection sa kasalukuyan. Mas pinaniwalaan ko itong huli, lalo na’t atat na akong magka-broadband.
So, okay naman noong una. Mula noong Hulyo 1, nang makabitan ako, bagama’t medyo nagbabagal, isang beses lang akong nawalan ng connection at naayos naman agad. Hanggang sa dumating ang Martes na gabi…. Read the rest of this entry »
Posted in Web/Tech | No Comments »
May 28th, 2006 by ederic2
Sa maniwala kayo’t sa hindi, ngayong taon ko lamang napanood ang mga pelikulang Superman. Nakakaaliw nga dahil para akong si Migmig, na tuwang-tuwa sa Superman. Bagamat dati’y napapanood ko sa TV ang “Louis and Clark”, etong Superman I to IV ay ngayon ko lang na-enjoy. (Ikukuwento ko sa ibang panahon ang tungkol sa pagka-Superman fan ko.) Noong lumalaki kasi ako sa probinsya, hindi uso sa akin ang mga dayuhang palabas. Lumaki akong sina Darna at Captain Barbell, Zarbot, Bioman at Shaider ang mga superhero sa komiks at telebisyon.
Naalala ko pa nang napanood ko ang Captain Barbell noong 1980s. Ito yung si Edu Manzano ang Captain Barbell, si Herbert Bautista ang Teng-teng, at si Sharon Cuneta ang Darna. Sa isang classroom ito ipinalabas sa high school na kalauna’y magiging paaralan ko rin. Noon kasi’y may mga nagpapalabas ng mga sine sa barangay namin. May dala silang malaking projection screen, at may kadobol ang bawat palabas. Doon ko rin napanood ang pelikula ni Sharon na Kailan Sasabihing Mahal kita ni Sharon, na halaw rin sa komiks, at ang Halimaw sa Banga. Read the rest of this entry »
Posted in Television | No Comments »
May 27th, 2006 by ederic2
Peyups.com — Kahit disappointed ang marami sa atin dahil walang taga-UP sa Pinoy Big Brother Teen edition, nakapagpapaalala naman ito ng karanasan at panahon ko sa Peyups nating mahal.
Napanood ko ang pagpakilala sa teen housemates, at naalala ko ang pagpasok ko sa UP. Big deal ‘yun sa akin at sa mga kamag-anak ko sa Marinduque–kung paanong malaking bagay rin sa mga pamilya ng mga bata ang pagiging teen housemates nila. Sa libu-libo ba namang nag-audition, sila ang napili. Para silang nakapasa sa UPCAT! Read more
Posted in Television | No Comments »
May 25th, 2006 by ederic2
Sa tagumpay ng tatlong Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok Chomolungma o Mt. Everest, well-represented ang Pilipinas.
Nakuha ko ang impormasyong ito sa 24 Oras newscast ng GMA-7, at nang i-review ko ang mga datos, nakita kong tama nga ito. Read the rest of this entry »
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 25th, 2006 by ederic2

“Huwag kayong aalis. Babalik agad ang Batibot!”
Read the rest of this entry.
Posted in Uncategorized | No Comments »